MANILA, Philippines- Nagbabala ang state-run Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) nitong weekend sa publiko na maging alerto laban sa mga modus na nag-aalok ng offshore gaming-related employment opportunities gamit ang dating at messaging applications.
Sa abiso, sinabi ng PAGCOR na ineengganyo sa job postings ang maaaring maging customer service representatives na may karanasan sa cryptocurrency trading, sa pamamagitan ng pag-aalok ng malaking sahod na nauuwi sa scam.
Sinasabing kalat ang nasabing scams sa ocial media groups, at dating at messaging applications.
“Online dating services and cryptocurrency investments are not part of the authorized acts of its Offshore Gaming Licensees and Services Providers,” paglilinaw ng PAGCOR.
“PAGCOR advocates for responsible gaming only through legitimate online gaming operations,” dagdag nito at sinabing matatagpuan sa kanilang website ang awtorisadong gaming entities at platforms.
Sa ilalim ng kanilang charter, tungkulin ng PAGCOR na kontrolin ang gaming industry, makakuha ng revenues para sa socio-civic at national development programs ng pamahalaan, at tumulong na isulong ang tourism industry. RNT/SA