Home NATIONWIDE PAGCOR pursigido sa pakikipagtulungan sa e-wallet firms vs online gambling addiction 

PAGCOR pursigido sa pakikipagtulungan sa e-wallet firms vs online gambling addiction 

MANILA, Philippines- Pursigido ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na makatuwang ang e-wallet companies sa layunin nitong kontrolin ang adiksyon sa online gambling.

Inamin ng PAGCOR nakapakahirap na i-monitor ang online gambling.

“We are in initial discussion with them para po nga maka collaborate at partner tayo for responsible gambling campaign and also ma-monitor and siguro ma-block natin,” ayon kay PAGCOR’s assistant vice president for Gaming Licensing and Development Department Vina Ocam.

Sinabi pa ng PAGCOR na mayroon na silang programa na naglalayong kontrolin ang gambling addiction sa mga Pilipino kung saan iniuulat at hinihiniling ng kanilang mga kamag-anak na ipagbawal sa mga ito sa pagsusugal.

“Meron tayong standards on awareness program within the premises mismo ng casino…Also yung nga po meron po tayong tinatawag na exclusion or banning program,” ayon kay Ocam.

Subalit, para naman kay Anna Tuazon, isang eksperto at psychologist, ang gambling addiction ay isang sakit na maaaring lunasan lalo na sa tulong ng mga tao.

“With gambling, there’s this specific behavioral dynamic na parang teka andami ko ng lugi pero ang solusyon nila dun, kailangan ko pa mag bet para mabawi yung nawala ko,” wika niya.

Sa ulat, sa Cebu, isang lalaki ang inaresto dahil sa pagnanakaw ng cellphone upang makakuha ng pera para sa pagsusugal.

Ani Tuazon, ang ganitong pag-uugali ay karaniwan sa mga taong malala na ang adiksyon sa sugal.

“One tell tale sign na severe na is may mga nawawalang gamit sa bahay, common yun e, a nasangla na, nabenta na kasi they need money to fund their gambling,” ayon pa rin kay Tuazon. Kris Jose