Home NATIONWIDE PAGCOR sumangguni sa COA sa pag-audit sa POGOs

PAGCOR sumangguni sa COA sa pag-audit sa POGOs

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na tinapik na nito ang Commission on Audit (COA) para i-audit ang Philippine offshore gaming operators (POGOs) matapos na i-terminate nito ang kontrata sa dati nitong third party auditor na Global ComRCI.

Sinabi ni PAGCOR chief Alejandro Tengco na kaagad na hiniling ng korporasyon sa COA na i- take over ang auditing sa POGO  matapos na putulin nito (PAGCOR) ang kontrata sa Global ComRCI.

“Yes, tinerminate na namin ang ₱5.8-billion contract at ang COA na ang kasalukuyang nag-audit ng overseas gaming licensees,”  ayon kay Tengco sa isinagawang  national budget deliberations sa Kongreso.

Buwan ng Marso nang wakasan na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang kontrata nito sa third-party auditor na inatasan na mag-audit sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa umano’y “unlawful acts” kasunod ng pagsusuri sa kanilang kasunduan.

Inihayag ng gaming industry regulator na “after careful investigation and in accordance with R.A. No. 9184 otherwise known as the Government Procurement Act,” ipinalabas at isinilbi nito ang Notice of Decision to Terminate the Consultancy Contract sa Global ComRCI, na pinagkasunduan ng dalawang partido noong December 2017.

Magugunita na sa Senate hearing noong Enero, sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na posibleng naloko ang PAGCOR ng Global ComRCI, at sinabing ibinigay sa third-party auditor ang kontrata base sa isang “spurious” bank certificate.

Iginawad sa Global ComRCI ang 10-year contract mula sa PAGCOR noong 2017, at sinabi ng ahensya na sumailalim ang service provider sa wastong bidding process at nakumpleto ang lahat ng legal requirements sa ilalim ng Procurement Law.

Subalit, ayon sa PAGCOR, sinuri ang kontrata sa Global ComRCI mula September 2022 kasunod ng pagtatalaga sa bagong liderato ng gaming industry regulator.

“Upon careful evaluation and with observance of due process, PAGCOR has determined the Third-Party Auditor to be IN DEFAULT of its obligations and that there exists prima facie evidence that it has committed UNLAWFUL ACTS as defined under R.A. No. 9184,” pahayag ng ahensya.

“Nakita po namin na fraudulent po ‘yong pagkaka-award ng PAGCOR sa kompanyang Global ComRCI,” ayon kay Tengco.

Natuklasan din ng PAGCOR na hindi kailanman nagpalabas ang New York-based international investment bank ng sertipikasyon at walang existing account ang Global ComRCI.

Para kay Tengco sapat na ‘ground’ na ito para simulan ang proseso ng terninasyon ng kontrata sa kompanya.

Aniya pa, nagpasaklolo na rin sila sa Office of the Solicitor General para bawiin ang ₱1-bilyong halaga ng pondo na inalok ng dating management ng PAGCOR sa auditors na nagproseso ng kontrata. Kris Jose

Previous articleMaritime deal sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam isinusulong ni Pangulong Marcos
Next articleSCTSI ng Cebu nangibabaw sa CAPSU sa opener ng Volleyball ng ROTC Games