MANILA, Philippines- Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naiulat na pagdami ng street beggars sa Metro Manila bago ang holiday season, na posible umanong may kaugnayan sa sindikato.
“Mayroon kaming ongoing na investigation ngayon, kasi mayroong isang syndicated group na sinasamantala ‘yung mga indigenous people natin, mga IP natin na kababayan,” pahayag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rexlon Gatchalian, ayon sa ulat nitong Linggo.
“Syndicated ‘yung pagdadala nila sa Manila… Kakasuhan natin ng human trafficking ‘yung mga ‘yun,” dagdag niya.
Sinabi naman ng Metro Manila Council (MMC) na hindi pa ito napatutunayan, subalit isinangguni na sa kapulisan.
“Even when we interview them, they would always just say na bumiyahe sila ng Manila, nagbabakasakali, so kung meron man pong sindikato na meron diyan, of course, we would refer than to the police,” ani MMC president and San Juan City mayor Francis Zamora. RNT/SA