MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong Linggo na suspendido ang pagdalaw sa New Bilibid Prison (NBP) maximum security compound sa Muntinlupa City hanggang June 9.
Nag-abiso ang BuCor ng suspensyon sa isang social media post. Subalit, hindi nito tinukoy ang dahilan.
“Panatilihing naka-antabay sa mga official social media accounts ng BuCor para sa iba pang mga anunsyo,” anito.
Nauna nang sinuspinde ng BuCor ang pagbisita sa mga preso sa NBP at Correctional Institution for Women dahil sa COVID-19 infections sa mga PDL at mga tauhan.
Kalaunan ay kinalos ang suspensyon noong May 25. RNT/SA