MANILA, Philippines – Naitala ang mabagal na pagdaloy ng lava mula sa bunganga ng Bulkang Mayon nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 27.
Ito ang iniulat ng PHIVOLCS kung saan nagsimula ang pagdaloy ng lava bandang 8:49 ng gabi at namataan sa pamamagitan ng IPCam sa Mayon Volcano Observatory-Ligñon Hill.
“This was observed to have advanced lava flow in the Bonga, Mi-isi, and Basud Gullies and to have generated incandescent rockfall within two kilometers from the summit crater,” sinabi ng Phivolcs.
“Alert Level 3 is maintained over Mayon Volcano,” dagdag ng ahensya. RNT/JGC