Home HOME BANNER STORY Pagdami ng pasyenteng may COVID, dama ng PGH

Pagdami ng pasyenteng may COVID, dama ng PGH

334
0

MANILA, Philippines – Ramdam ng Philippine General Hospital (PGH) ang paglobo sa dami ng mga pasyenteng tinatamaan ng COVID-19.

Ayon sa tagapagsalita ng PGH, mayroon nang 60 pasyente ang dinala sa pasilidad dahil sa nasabing sakit.

“Totoo po na unti-unting tumataas na naman ang bilang ng mga pasyente naming ina-admit sa PGH na may COVID. Last week po, actually less than 10 patients lang po ang aming nasa ospital. Pero ngayon po, as of today, chineck ko po yung census, meron po kaming 60 patients po sa aming ospital,” pahayag ni Dr. Jonas del Rosario sa panayam ng TeleRadyo.

Advertisement

Aniya, karamihan sa mga pasyenteng may COVID ay may comorbidities, at ang ilan naman ay may iba pang sakit kung kaya’t na-admit sa nasabing ospital bago nalaman na nahawaan na rin ng virus.

“Marami po ay vaccinated pero walang booster. Meron din pong mga unvaccinated,” aniya.

Ani Del Rosario, handa na silang gawing COVID beds ang ilang hospital beds kung marami pang pasyente ang darating.

“Mapipilitan po kami na magdagdag po ng ilang beds or kuwarto para sa mga COVID patients kung kinakailangan po,” sinabi pa niya. RNT/JGC

Previous articleMas mababang pamasahe sa eroplano, asahan sa Hunyo – CAB
Next articleModerna puspusan na sa pagbubukas ng pasilidad sa Pilipinas

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here