Home NATIONWIDE Pagdaos ng special polls kapalit ni Teves, depende sa Kongreso – Comelec

Pagdaos ng special polls kapalit ni Teves, depende sa Kongreso – Comelec

MANILA, Philippines – Depende umano sa kautusan ng Kongreso kung dapat isagawa ang espesyal na halalan upang palitan si Arnolfo Teves bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Negros Oriental kasunod ng pagpapatalsik sa kanya, sinabi ng Commission on Elections (Comelec).

“Magdeclare ang Congress na vacant then idirect kami na mag hold ng special election,” saad ni Comelec chairman George Garcia.

Noong Agosto 16, bumoto ang 265 miyembro ng Kamara upang patalsikin si Teves sa kanyang posisyon dahil sa “disorderly behavior and for violation of the Code of Conduct of the House of Representatives.”

Ito ay sa gitna ng multiple criminal cases na kanyang kinakaharap at pagtanggi na bumalik sa Pilipinas.

Si House Speaker Martin Romualdez ay caretaker ng ikatlong distrito ng Negros Oriental simula umalis sa bansa si Teves.

Sa tanong tungkol sa badyet, sinabi ni Garcia na handang maghanap ng pondo ang poll body sakaling matuloy ang espesyal na halalan.

Nasa ilalim din ng pagpapasya ng House of Representatives kung magtatalaga ito ng caretaker sa ngayon.

Sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco nitong Huwebes, Agosto 17 na tinitingnan ng pamunuan ng mababang kamara ang mga mambabatas mula sa una at ikalawang distrito ng Negros Oriental, na sina–Rep. Jocelyn Limkaichong at Rep. Manuel Sagarbarria–bilang legislative caretaker ng ikatlong distrito.

Binanggit ni Velasco na ang special election ay maaring mahirap dahil sa paghahanda ng Comelec para sa BSKE sa Oktubre gayundin para sa 2025 midterm polls. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMga bahay na sinira ng habagat, umabot na sa 86K
Next article4.4K law enforcers ipakakalat sa FIBA – PNP