MANILA, Philippines – Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang House Bill 7986 na nagsusulong na ideklara bilang special working holiday ang Agosto 1 ng bawat taon bilang paggunita sa Philippine Independence na naganap sa Bacoor, Cavite noong 1898.
Sa oras na maisabatas ang Agosto 1 ng bawat taon ay tatawagin itong ‘Promulgation of the Solemn Declaration of Philippine Independence.”
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez ang naging pangyayari noong Agosto 1, 1898 ay ngayon lamang nakikita at mahalaga na mabigyan ito ng pagpapahalaga.
“It is only right to recognize this significant event in our storied past: the solemn declaration of Philippine independence in Bacoor, Cavite on Aug. 1, 1898. I hope this measure will provide Filipinos with the encouragement to pursue knowledge on what transpired during the birth of our nation and hopefully look at this momentous event as a source of national pride and patriotism,” paliwanag ni Romualdez.
Nabatid na si dating Bacoor Mayor at ngayon ay Rep Lani Mercado-Revilla ang nagkomisyon kay Philippine kay Historical Association (PHA) President Dr. Emmanuel Calairo na magsagawa ng research kung ano ang nangyari noong Bacoor Assembly kung saan nagtipon-tipon ang may 200 “presidente mayor” o local leaders mula sa ibat bang lalawigan.
Kasunod ng ginawang research ni Calairo ay naglabas ito ng libro na “Proclamation: Philippine Independence – The Truth About Aug. 1, 1898 Bacoor Assembly (A Historiographical Inquiry),” kung saan ipinakita ang naging malaking kontribusyon ng naging pagtitipon sa kasaysayan at kalayaan ng bansa. Gail Mendoza