MANILA, Philippines- Sisimulan ng Tariff Commission ang pagdinig sa proposed reduction sa rice tariffs sa Biyernes, Sept. 15.
Sa notice of public hearing na naka-post sa website nito, inaanyayahan ng komisyon ang lahat ng interesadong partido na irehistro ang kanilang partisipasyon bago matapos ang business hours sa Huwebes, Sept. 14.
“Interested parties shall be afforded the opportunity to be present and present evidence to support their position/s on the subject matter,” saad sa notice na may petsang Sept. 11, 2023.
Nakasaad din sa dokumento, nilagdaan ni Tariff Commission Chairperson Marilou R. Mendoza, na isasagawa ang public hearing via videoconferencing mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.
Base sa komisyon, alinsunod ito sa petisyong isinumite ng Foundation for Economic Freedom, Inc. (FEF).
Inihayag ng ahensya na iminumungkahi ng FEF na bawasan ang Most Favoured Nation (MFN) tariff rates sa bigas mula 35 porsyento sa 10 porsyento para sa in-quota at out-quota.
“Interested parties are also encouraged to submit their position papers, using the position paper template provided on the Commission’s website,” ayon pa sa notice.
Itinakda ang deadline sa pagsusumite ng position papers sa Sept. 14, 2023.
Noong Biyernes, sinabi ni Finance Secretary Benjamin E. Diokno na inirekomenda ng economic team ang temporary decrease sa rice import tariff rates upang tugunan ang pagtaas ng presyo ng bigas.
Subalit, ang proposed reduction ni Diokno ay mula zero hanggang 10 porsyento para sa ASEAN at MFN.
Ipinaliwanag ng opisyal na kayang babaan ni pangulong Marcos ang taripa sa pamamagitan ng executive order, hangga’t walang sesyon ang Kamara.
Ginagawaran ng Republic Act (RA) 11203, o ng “Rice Tariffication Law,” ang Pangulo ng abilidad na baguhin ang rice import duty rates.
Subalit, magagamit lamang ang awtoridad na ito kapag walang sesyon ang Kamara, at anumang adjustments ay iiral 15 araw matapos mailathala ang mga ito. RNT/SA