Home IN PHOTOS Pagdiriwang ng Bonifacio Day sa Maynila, QC

Pagdiriwang ng Bonifacio Day sa Maynila, QC

MANILA, Philippines – Ginunita sa iba’t ibang parte ng Kamaynilaan ang paggunita sa ika-160 taong kapanganakan ni gat Andres Bonifacio ngayong Huwebes, Nobyembre 30, 2023.

Sa Maynila ay pinangunahan nina Manila Mayor Shiela Honey Lacuna Pangan at Vice Mayor Yul Servo ang pagdidriwang kapanganakan ng tinaguriang Supremo ng Katipunan, kasama ang Philippine Navy kung saan nag-alay sila ng mga bulaklak sa bantayo ni Bonifacion sa Liwasan sa Lawton, Maynila.

Samantala, pinangunahan naman nina dating Bise Presidente Leni Robredo kasama sina dating Senador Kiko Pangilinan at abogadong si Chel Diokno ang Annual Honoring of Martyrs and Heroes of the Bantayog ng mga Bayani Foundation ngayong Bonifacio Day sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City.

(Kuha nina Crismon Heramis/Danny Querubin)

Previous articlePinay hinikayat sumabak sa combat sports
Next articleDOH: Respiratory illness sa Tsina mala-COVID