Home NATIONWIDE Paggamit ng bagong monitoring system sa mga pantalan, sinuspinde ng PPA

Paggamit ng bagong monitoring system sa mga pantalan, sinuspinde ng PPA

93
0

MANILA, Philippines- Sinuspinde muna ng Philippine Ports Authority (PPA) ang pagpapatupad ng bagong monitoring system sa pantalan dahil sa pagtutol ng ilang mga grupo.

Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni PPA General Manager Jay Santiago na ito ay napagkasunduan ng PPA board.

Ayon kay Santiago, ang rason aniya ng ilang kumokontra ay kailangang pag-aralan pang mabuti.

Sinasabi rin aniya ng ilang bussiness group na ang bagong proyekto ay duplication o repetition sa kasalukuyang sistema na ipinatutupad ng Bureau of Customs (BOC).

Anila, hindi lamang nito mapapabagal ang pagproseso ng mga shipping container kundi tataas din ang logistics cost ng pag-angkat ng mga produkto na maaari ring magtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ngunit ayon sa PPA ang naturang sistema ay magpapagaan sa mga gastusin.

Sa ilalim ng monitoring system, aalisin ang container deposit fee na P10,000 hanggang P30,000. Sa halip, sisingilin ng PPA ang flat rate na P980 na insurance bawat container.

“Meron po silang dini-dispute na isa pa po yung tinatawag na empty container handling charge which is P3,520 na sinasabi nilang dagdag. Yan po ay kasalukuyang binabayaran naman na po ng mga nagsosoli ng container. Amounts to as high or at the very least P6,400. Ang mangyayari po doon, ipapasok na so we eliminate yung turn backs nung mga empty containers, we eliminate road traffic,” sabi ni Santiago.

Ang mga container ay ibu-book sa isang accredited na container port at susubaybayan ng PPA upang matiyak na magkakaroon ng mas kaunting congestion.

Sinabi ng PPA na patuloy nitong pag-aaralan ang bagong monitoring system. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePanagbenga festival sa Baguio, umarangkada!
Next articleJustice system ng Pinas, dapat igalang ng ICC – SolGen Guevarra