Home NATIONWIDE Paggamit ng drone sa panahon ng wet cropping season kinokonsidera ng DA

Paggamit ng drone sa panahon ng wet cropping season kinokonsidera ng DA

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Agriculture (DA) nitong Lunes na sinisikap nitong gamitin ang drone technology para matulungan ang mga magsasaka sa pagtatanim ng palay para sa tag-ulan.

Sa isang panayam, sinabi ni DA Undersecretary for Rice Industry Development Christopher Morales na maaari nitong dagdagan ang kahusayan sa pagpapakalat ng mga buto, pataba, at iba pang farm inputs gamit ang farm layout mapping.

“Pwede mong piliin, i-set yung rate ng (the rate of) spacing, and it can minimize yung wastage ng mga nagamit,” sabi pa nito.

Ayon kay Morales na ang teknolohiya ng drone ay maaari pang bawasan ang tagal ng seeding mula oras hanggang limang minuto kada ektarya, gayundin ang haba ng araw ng pagtatanim.

“Kung ipupunla ko pa, ita-transplant mo pa, it will take 10 days or so. Pero kung direct seeding, naka-ready na iyong plot mo, kapag gamit ng drone diretso na siya, magsho-shorten iyong number of days,” ayon pa kay Morales.

Kaugnay nito plano ng DA na ipamahagi ang teknolohiya ng drone sa mga magsasaka na kasama sa mga rehistradong kooperatiba ng magsasaka at clustered farm.

Samantala, ginawaran ng DA ang mga kabataang magsasaka para sa kanilang makabagong henerasyon ng mga bagong produkto, serbisyo, at pagpapaunlad ng organisasyon, bukod sa iba pa, para sa Youth Farmers Challenge (YFC) noong Hunyo 6.

Humigit-kumulang PHP6.1 milyong cash grant ang iginawad sa 12 pambansang awardees ng YFC Start-Up Component na nagkakahalaga ng PHP300,000 bawat isa; pati na rin ang P500,000 sa bawat isa sa limang nanalong negosyo.

Kabilang sa mga awardees ang mga batang magsasaka na may edad 18 hanggang 30 taon.

Kabilang dito ang mga kabataang magsasaka sa likod ng Kilusang Wais sa Agrikultura at Kaalaman Kasama ang mga Katutubo (KWAKTUTUBO), Andrea’s Quail Farm & Hatchery, SirJuan Agriventure: New Generation’s Philippine Native Chicken Raising, Wagling Cattle Enterprise, EcoGrow Agritek, Clawseth Aquafarm, MagRice App, Coco Chill Processing, Pilipinya Agercolo Leaf Fiber, Calabaza Deli, Qfarmercegen Eco Farm, Sikwate Tea Hub; pati na rin ang Sanagi Agriculture Farm, HealthyBite Food Processing and Preserving ni Reynro Herrera, Increasing Specialty Coffee Production: Quality in Our Locality, Rancho Velasco Agricultural Farm, at Prince Cacao Products Manufacturing. Santi Celario