Home NATIONWIDE Paggamit ng ‘legal tools’ para sa murang bigas iniatas ni PBBM

Paggamit ng ‘legal tools’ para sa murang bigas iniatas ni PBBM

287
0

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng concerned government agencies na gamitin ang available na ‘legal tools’ upang gawing affordable ang presyo ng bigas sa lahat ng mga Filipino.

Ipinalabas ng Pangulo ang direktiba sa isinagawang pagpupulong kasama ang mga concerned sectors sa Palasyo ng Malakanyang para pag-usapan ang update ukol sa inisyatiba ng pamahalaan na tiyakin ang suplay ng bigas at i-regulate ang presyo nito.

“The Chief Executive directs all concerned agencies to utilize the available legal tools in controlling the price of rice and make this affordable especially to poor households, as well as ensure other support mechanisms for farmers and traders alike should legal measures be invoked by the government in controlling the price of rice,” ayon sa kalatas na makikita sa official Facebook page ng state-run Radio Television Malacañang’s (RTVM).

Inamin ng Pangulo na ang presyo ng bigas ay ’cause for concern’ sa kabila ng kamakailan lamang na pananaw ng Department of Agriculture (DA) na may sapat na suplay ng bigas.

Aniya, ang mga kaso ng hoarding, epekto ng tropical cyclones Egay at Falcon sa mga lugar na labis na naapektuhan nito, rice-deficit regions, at presyo na pinost ng intermediaries ay ilan lamang sa mga dahilan sa pagtaas ng presyo.

Nauna rito, napaulat na ang mga retailers ay nagbebenta ng bigas sa piba’t ibang presyo, may ilan ang nagbebenta ng P38 hanggang P40 kada kilo bilang pinakamura habang ang varieties naman ay P50 kada kilo.

Samantala sa sectoral meeting pa rin, inatasan ni Pangulong Marcos ang Bureau of Customs (BOC) na makipag-ugnayan at tulungan sa DA na pag-aralan ang posibilidad na pagdo-donate ng nasamsam na bigas sa Department of Social Welfare and Development.

Previous articlePBBM sa BOC: Warehouse raids tuloy lang vs hoarding, illegal rice imports
Next articleAlfred, aminadong na-insecure nang tumaba!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here