Home NATIONWIDE Paggamit ng QRPh sa online payment umarangkada na sa Parañaque

Paggamit ng QRPh sa online payment umarangkada na sa Parañaque

307
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang kanilang paggamit ng QRPh para sa pagbabayad sa online ng mga buwis sa negosyo, real property taxes (RPT), at iba pang miscellaneous fees.

Ito ang napag-alaman kay Parañaque City Mayor Eric Olivarez na nagsabing ang pagamit ng QRPh ay in-adopt ng lokal na pamahalaan upang mabuo ang benepisyo na dulot ng digital economy sa lebel ng mga lungsod at gawing maging maayos at madali ang proseso ng pagbabayad ng mga taxpayers.

“The City of Parañaque supports the government’s action towards promoting an inclusive economic growth in the Philippines. Through the integration of QRPh in Parañaque’s online payment services, we are assured that any payments or transactions done with the local government will be secured and seamless for better customer experience,” ani Olivarez.

Sinabi ni Olivarez na nauna nang ipinatupad ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa ilalim ng pamamahala ni Atty. Melanie Soriano-Malaya ang ilan sa mga innovative at agile business solutions tulad ng Online Appointment System, Online Business Permit Application for New and Renewal, at Online Payment and Assessment.

Dagdag pa ni Olivarez na ang pagpapatupad ng business solution ng BPLO ay bahagi ng eGovernance programs alinsunod sa Republic Act No. 11032 o ang Ease of Doing Business Law of 2018.

Sa panig naman ni Malaya, ang QRPh ay idinisenyo upang maisaayos ang paggamit ng QR codes sa mga transaksyon sa gobyerno na naaayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Circular No. 1055 series of 2019 tungkol sa adoption ng National Quick Response (QR) Code Standard.

Sinabi ni Malaya na pinapayagan ng QRPh na mai-scan at ma-interpret ang common QR code ng mga akalahok na bangko o EMI mobileapp para sa fund transfers at payments.

Paliwanag pa ni Malaya na ang QRPh ay nagkakaloob din sa kahit anumang transaksyon ng indibidwal o negosyo ng security feature para sa karagdagang seguridad, episyente at maaasahang online payment systems sa bansa.

Idinagdag pa ni Malaya na ipagpapatuloy ng lokal na pamahalaan ang pakikipag-ugnayan sa gobyerno pati na rin sa mga pribadong sektor sa kanilang commitment na maiayos ang polisiya at pagsisikap upang mai-promote ang literacy at access to finance sa lokal na pamahalaan.

“As we have done in the past, the Paranaque City LGU will continue to innovate and improve its services – especially in the digital realm – to better improve our frontline services to the public,” ani pa Malaya.

Ang listahan ng mga kalahok ng updated person-to-merchant sa QRPh ay maaaring mai-access sa pamamagitan ng BSPwebsite sa www.bsp.gov.ph at sa mga karagdagang detalye at kaalaman ay maaring bumisita sa BPLO official website sa www.bploparanaque.com o mag-email sa [email protected]. James I. Catapusan

Previous articleDalaga tiklo sa tumalbog na tseke
Next articleMGA NAGDEPOSITO SA BANGKO MAS DUMAMI DAHIL SA NATIONAL ID

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here