Paggamit ng ‘sablay’ imbes na toga sa grad rites, iminungkahi ng DepEd exec

Paggamit ng ‘sablay’ imbes na toga sa grad rites, iminungkahi ng DepEd exec

February 19, 2020 @ 6:33 PM 3 months ago

  • 3
  •  
  •  
    3
    Shares
Share

Manila, Philippines – Iminungkahi ni Department of Education Undersecretary Alain Pascua ang paggamit ng “sablay” sa commencement exercises ng elementarya at high school.

Ngayong araw ng Miyerkules, Pebrero 19, kinumpirma ni Pascua ang isang leaked document ng kanyang aide memoire, isang written summary o balangkas ng mga mahahalagang bagay sa isang proposed agreement o diplomatic communication.

“The Aide Memoire in question did indeed come from me, which I sent to a DepEd Execom and Mancom Groups for their consideration and feedback,” aniya sa isang Facebook post.

Sa naturang aide memoire, sinabi ni Pascua na ang toga na may “deep Western roots” ay hindi Pilipino at hindi umano ito nakakapagbigay-inspirasyon sa pagiging matapat sa bansa. Sa halip ay nagsisilbi lamang ito bilang paalala na minsang sinakop ang bansa.

Giit din niyang “impractical and uncomfortable” ang toga lalo na sa mga bansang tropikal kagaya ng Pilipinas.

Dagdag pa ni Pascua, ang toga ay hindi nag-e-“encourage the flourish of cultural diversity.”

“Renting or buying a toga, with gown and cap, is an additional expense and an added burden to parents,” aniya.

Sa gayon, iminungkahi niyang gamitin ang “sablay”, kung saan aniya, ay maaaring maipaalala sa mga mag-aaral na Pilipino ang patriyotismo at nasyonalismo dahil isinusulong din nito ang core values ng “Makabansa at Makabayan”.

Hindi kagaya ng toga, isinusulong ng sablay ang “local and national diversity”.

“(It) nurtures ethnic roots and perpetuate the production of local textiles of indigenous people,” giit pa niya.

Dagdag pa nito, ang iminungkahing “sablya” ay maaaring makapagpalakas ng rural development, pagbibigay ng trabaho at mapalakas ang mga Pilipinong manghahabi. Gayundin ang pagbuhay at pagpondo sa mga tradisyunal na weaving enterprises.

“To clarify, the Aide Memoire has yet to be discussed at the Execom-Mancom levels and remains a proposition,” pagbibigay-diin niya.

“We at the Department of Education value feedback and encourage everyone to voice their concerns and ideas,” aniya pa. Remate News Team|MM

Share

Leave a Reply

Loading...