Home NATIONWIDE Paggamit ng water cannon, laser isasama sa probisyon ng Mutual Defense Treaty

Paggamit ng water cannon, laser isasama sa probisyon ng Mutual Defense Treaty

MANILA, Philippines – Nais ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa naaisama ang laser-pointing at paggamit ng water cannons sa listahan ng “non-conventional threats” na maaaring gamitin ang Pilipinas Mutual Defense Treaty (MDT) sa United States.

Isinagawa ni Dela Rosa ang mungkahi sa ginanap na pagdinig ng Senate foreign relations committee sa resolution na humihingi ng update at pag-aamyenda sa 1951 treaty sa America.

“Hindi ba puwede natin idagdag d’yan ‘yung…pag-water cannon? Alam natin it does not constitute armed attack pero ang epekto niya sa ating mga Coast Guard na tatamaan, kapag tinamaan ang Coast Guard natin, natumba, nahampas ang ulo doon sa sahig ng barko, patay pa rin ‘yon,” ayon kay Dela Rosa.

“Walang bala na pinutok, tubig lang pero ang effect injury, even death, pag tinamaan ang ating mga tao doon, nahampas ang ulo doon sa sahig ng boat, patay pa rin. I don’t know how do we do that, kung pwede idagdag ‘yan doon,” giit pa ni Dela Rosa.

Nitong Agosto 5, binomba ng Chinese Coast Guard ng tubig ang alat ng barko ng Pilipinas na nasa resupply mission sa Ayungin Shoal kaya nagsagawa ito ng mapanganib na pagmaiobra upang maihiwalay ang supply boats mula sa kanilang na Philippine Coast Guard.

Sinundan din ni Senator Risa Hontiveros ang pagtatanong ng kasamahan saka binaggit ang pahayag ng Philippine Coast Guard na para lamang sa pag-apula ng sunog ang tubig na nakaimbak sa kanilang barko.

“Ang sabi ng Coast Guard, ang pagdadala ng tubig sa barko ay para lang sa fire-fighting. Kaya talagang maling-mali ang ginawa ng Tsina sa atin doon,” ani Hontiveros.

Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Jose Victor Chan Gonzaga na kahit nakapaloob sa guidelines, kailangan din na makipag-usap sa kanilang US counterparts.

“Yes, that appears in the bilateral guidelines, but I think there’s still a lot of discussion about the specific kinds of activities that would be considered as coming under that,” ayon kay Gonzaga.

“Obviously, lawyers of both sides have things to say about these things, about water cannons, about all other kinds of activities…Also we have to look at the guidelines as a living document. Discussions are ongoing and [we] continue to discuss with our US counterparts and we’re hoping to get better clarification,” giit niya.

Ayon sa DFA, kailangan sumailalim sa prosesong legal ang mungkahi ni Dela Rosa na sinang-ayunan ng karamihan sa mambabatas.

Dahil dito, inatasan ni Dela Rosa ang DFA na igiit ang lahat upang maging advantage ito sa Pilipinas.

“I think it is only appropriate for this committee to advise DFA [na] lahat na ng bagay na to our advantage isaksak na ninyo, bahala na sila umayaw. Kung umayaw ang America, eh wala na tayong magawa pero kung ‘yung ikakalamang natin, you know, dapat isaksak natin ‘di ba?” aniya.

“’Yung laser, laser attack, ‘di yan kasama pero kung puwede isama natin so that China will run out of unconventional tactics to bully our people. Idagdag natin ‘yan para malaman nila na, ‘Kasama na pala ‘yan, hindi natin gawin ‘yan.’ ‘Yung weather balloon. Lahat na ng puwede. Kung ako lang taga-DFA, kahit na bordering to whatever, basta lamang tayo doon tayo, ‘yun ang dapat nating position,” diin ng mambabatas.

Mahigit 71 taong gulang na ang MDT, ang kasunduan sa pagitan ng Philippines at US na obligasyon ng Washington DC na idepensa ang Manila sa anumang paglusob.

Nakatakda sa Article V ng MDT, “[A]n armed attack on either of the Parties is deemed to include an armed attack on the metropolitan territory of either of the Parties, or on the Island territories under its jurisdiction in the Pacific Ocean, its armed forces, public vessels or aircraft in the Pacific.” Ernie Reyes

Previous articleDA kinalampag sa contingency plan sa sapat na suplay, mababang presyo ng bigas
Next articleRegulasyon sa physical therapy inaprubahan sa Kamara