Home HOME BANNER STORY Paggunita sa ika-106 birth anniversary ng ama, pinangunahan ni PBBM

Paggunita sa ika-106 birth anniversary ng ama, pinangunahan ni PBBM

MANILA, Philippines – “A true Filipino and Ilocano icon.”

Ganito kung ilarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., matapos pangunahan ng batang Marcos ang wreath laying at commemoration activities sa ika-106 birth anniversary ng kanyang namapayapang ama sa  Batac, Ilocos Norte, araw ng Lunes, Setyembre 11.

Sa heartwarming ceremony, sinabi ng Pangulo na ang kanyang ama ay “remains a true Filipino and Ilocano icon whose exceptional mind matched the nation-loving spirit that he possesses and that he demonstrates.”

Inalala niya ang kanyang ama para sa “peace and order that he fought and stood for,” na nagsilbing inspirasyon sa mga Filipino na gumawa at maramdaman ang pangarap na iniwan ng kanyang ama sa puso ng nakararami.

Dahil dito, nanawagan ang Chief Executive sa mga kabataang lider at mga opisyal ng pamahalaan na hangarin ang “greater roles and more meaningful endeavors.”

“It is my earnest hope that my late father’s values, ideals, and visions for the country will spur you into aspiring for greater roles and more meaningful endeavors—much like how these have inspired me,” ayon sa Pangulo.

“Let us act in our own small and unique ways to support the government, to support our people in all the initiatives and programs, and continue to instill in every Filipino the sense of ownership and accountability in building our great nation,” dagdag na wika nito.

Ipinaalala naman ng Pangulo sa bawat isa sa Pilipinas ang ” true value and the work that needs to be done.”

“The Philippines is ours to love, and the path to a new Philippines—a more equitable, sustainable, and resilient one—is ours to make.” aniya pa rin.

Habang inaalala ng lahat at nagbigay-pugay kay Apo Lakay, hinikayat ni Pangulong Marcos ang bawat isa na gawing testamento ang  “unwavering pursuit of unity” na labis na ipinagkatiwala ng kanyang ama sa mga mamamayang Filipino.

“In his memory, may our actions from this point on be directed by the desire to preserve and share the rich heritage of our province, of our nation,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

Pinasalamatan naman ng Pangulo at ng kanyang pamilya ang lahat sa pagsama sa kanila sa muling pagbisita at pag-alala sa buhay ng kanyang ama na nag-iwan “rich legacy to the nation.”

Matatandaang, idineklara ni Pangulong Marcos Jr. na special non-working holiday sa lalawigan ng Ilocos Norte ang Setyembre 11, 2023.

Ang hakbang ni Marcos ay bilang paggunita sa ika-106 na kaarawan ng kanyang ama na si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Nilagdaan naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Proclamation No. 327 nitong Miyerkules, Agosto 23.

Magugunita na noong nakaraang taon, dumalo sa isang misa ang pamilya ni Pangulong Marcos sa puntod ng dating Pangulo sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City. Kris Jose

Previous articlePrice cap, raids nakatulong sa pagbaba ng presyo ng bigas
Next articleMga Pinoy sa Morocco ‘di pa humihiling ng repatriation – DFA exec

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here