Home NATIONWIDE Paggunita sa Ika-125 anibersaryo ng Unang Republika ng Pilipinas pinangunahan ni PBBM

Paggunita sa Ika-125 anibersaryo ng Unang Republika ng Pilipinas pinangunahan ni PBBM

Bulacan – Matagumpay na ginunita ang ika- 125 anibersaryo ng Unang Republika ng Pilipinas na may temang, Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan” na ginanap sa Barasoain Church, Lungsod ng Malolos.

Naging panauhing pandangal sa paggunita si Pangulong Bongbong Marcos na dumating sa simbahan bandang 8:06 ng umaga ng Martes nitong Enero 23 taong kasalukuyan.

Pinangunahan ng pangulo ang pagtataas ng watawat at pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Hen. Emilio Aguinaldo katuwang ang Tagapangulo Emmanuel Franco Calairo ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, Pangulo ng Senado Juan Miguel Zubiri, Ispiker Ferdinand Martin Romualdez, Kalihim Tagapagpaganap Lucas Bersamin,Punong Lalawigan Daniel Fernando, Punong Lungsod Christian Natividad, Reberendo Padre Domingo Salonga at iba pang opisyal.

Sinundan ng panalangin ni Reberendo Padre Salonga,at bating pambungad ng Punong Lalawigan.

Nagbigay din ng mensahe si Calairo at mensahe ng pagkakaisa naman sina Ispiker Romualdez ng mga Kinatawan ng Pilipinas at Pangulo ng Senado na si Zubiri

Ipinakilala naman ni Bersamin, ang pangulo para sa kanyang makabuluhang talumpati na umabot ng humigit kumulang walong minuto.

Tinapos ang pagdiriwang ng simpleng salu-salo sa bakuran ng naturang simbahan. (Dick Mirasol III)

Previous articleKonstruksyon ng LRT-2 station na magkokonekta sa Recto-Tondo sisimulan na
Next articlePagpayag ng 3 gov’t agencies kailangan ng ICC bago drug war probe