MAYNILA — Nabigyan ng karapat-dapat na rest period ang Philippine national basketball team kasunod ng kanilang matagumpay na kampanya sa katatapos na 32nd Southeast Asian Games.
“Unang-una, pahinga muna kami, that’s very important,” ani Reyes.
Ngunit pagkatapos ng dalawang linggong pahinga, ipagpapatuloy ng mga nationals ang kanilang paghahanda para sa FIBA World Cup 2023, dagdag ni Reyes.
“Pinaplano namin ang pagpapatuloy ng pagsasanay sa Hunyo 1,” banat ni Reyes. “Pinagsasama-sama namin ang mga huling detalye ng training camp sa Europe at ilang tune up na mga laban.”
Nais ni Reyes na dumaan ang kanyang tropa sa masinsinang pagsasanay sa ibayong dagat dahil sila ay nakahanay na makakalaban ng Italy, Angola at Dominican Republic sa group stage ng world competition.
Maghohost ang Pilipinas ng mga laro kasama ang Indonesia at Japan simula Agosto 25.
“Mag-announce kami pag nafinalize na ang schedule, pero sa June 1 na ang resumption ng practice.”
Nanindigan din si Reyes na nakapagdesisyon na siya na gawin ang Cambodia bilang kanyang huling pagharap sa SEA Games.
“The Southeast Asian Games is really for younger players, younger coaches developmental players. Nagdesisyon na ako na ito na ang huli kong Southeast Asian Games,”dagdag pa nito.RCN