Home METRO Pagharang sa mga namamasadang tsuper itinanggi ng Manibela

Pagharang sa mga namamasadang tsuper itinanggi ng Manibela

MANILA, Philippines – Iginiit ng grupong Manibela na hinihikayat lamang nila ang kapwa tsuper ng jeep na makisama sa ikinakasa nilang tigil-pasada kasabay ng pagtanggi na hinaharang nila ang ibang jeepney drivers sa kanilang biyahe.

Ayon kay Mar Valbuena, Presidente ng grupong Manibela, nasa desisyon naman ng mga tsuper at operator kung makikiisa sila gayung para sa kapakanan naman ng lahat ng bumibiyahe ng tradisyunal na jeepney ang kanilang ginagawa.

Binigyan-diin din ni Valbuena na hindi nila pinupwersa ang mga tsuper na sumama sa kilos protesta dahil kusang loob silang nakiisa para marinig ang kanilang panawagan.

Matatandaan na inirereklamo ng Manibela ang pagbibigay sa kanila ng notice ng LTFRB na hanggang December 2023 na lamang sila maaaring mag-operate o pumasada kung saan hiling nila na magbitiw sa pwesto at papanagutin ang mga corrupt na official ng LTFRB. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleNanirang dating tauhan, pinatawad ni Guadiz; ‘di na kakasuhan
Next articlePH kailangan ng certifying body sa pag-promote ng halal industry