MANILA, Philippines- Sinimulan ng Senado ang paghimay sa Senate Bill No. 2020 na lilikha sa Maharlika Investment Fund na pormal na inendorso ni Senador Mark Villar sa plenaryo na sumailalim na sa period of interpellation.
Sinabi ni Villar, pangunahing awtor at isponsor ng panukala na kanyang tinitindigan ang ideals at hangarin ng Maharlika Bill dahil makatutulong ito sa bansa
“Maganda po na madiscuss natin ang mga concerns ng ating mga kapwa senador. From the start, we always wanted to scrutinize this bill. No better way to accomplish that than by entertaining questions from our colleagues,” ayon kay Villar.
Aniya, kanyang naiintindihan ang hamon na kinahaharap ng bansa kaya’t matindi itong kumilos upang matiyak na mabibigyan ng kapangyarihan ang mamamayan sa panukalang batas, lumikha ng parehas at equitable society at magtayo ng mas masaganang kinabukasan para sa lahat.
“One of the worst at one point was the first half of 2022 for the Norway Wealth Fund which incurred high paper losses. But then again, when you analyze it over an extended period, let’s say over 10 years, the overall return for government surpasses that period of losses,” paliwanag ni Villar.
“I believe that the Maharlika has enough safeguards to ensure that we will achieve a good rate of return for the government,” dagdag niya.
Iginiit pa ni Villar ang kahalagahan ng paghimay sa panukalang nang malaliman at nagpahayag ng paniniwala na importante sa proseso ng lehislatura ang diskusyon at tugunan ang alalahanin na Ipinalutang ng kapwa mambabatas.
“The ongoing process of interpellation highlights the Senate’s commitment to deliver a well-crafted and impactful law. By engaging in open discussions and collaboration, we are emphasizing the importance of a thorough examination of the Maharlika Bill. We must take the necessary time to analyze its provisions, address concerns, and ensure that the legislation we pass truly serves the best interests of the Filipino people,” ayon kay Mark Villar.
Kabilang sa nagtanong sa panukala sina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, Grace Poe, Raffy Tulfo, at Loren Legarda. Magpapatuloy ang interpelasyon ngayong Miyerkules. Ernie Reyes