Home ENTERTAINMENT Pagiging hurado ni Boy sa MU, muling naudlot!

Pagiging hurado ni Boy sa MU, muling naudlot!

Manila, Philippines- Dapat sana’y magsisilbing isa sa mga hurado si Boy Abunda sa nalalapit na ika-72 edition ng Miss Universe.

Gaganapin ito sa Jose Adolfo Pineda Arena sa San Salvador, El Salvador sa darating na November 18.

This would have been the second time na inalok si Boy bilang judge.

Nauna rito ay noong January 2023 kung saan ang kumatawan ng ating bansa ay si Celeste Cortesi.

Ika-71 edisyon ‘yon ng prestihiyosong pageant held in New Orleans, Louisiana.

Hindi pumuwede noon ang King of Talk dahil sa kanyang work schedule.

January kasi ng kasalukuyang taon nang magsimula nang umere ang Fast Talk with Boy Abunda sa GMA.

Boy could not have allotted time as MU judge given the preparations for his daily talk show.

May kunek sa kanyang programa ang dahilan kung bakit muling naunsiyami ang dapat sana’y pagdya-judge ni Boy.

Ito’y dahil sa guesting ng ating pambato this year na si Michelle Dee nitong October 30.

Mahigpit na ipinagbabawal na magkaroon ng interaction ang MU judge sa kandidata prior to the pageant.

Ito’y para maiwasang mabahiran ng isyu ng bias sa parte ng hurado.

Saantala, all systems go na ang pagdaraos ng 72nd MU sa kabila ng isyung kinapapalooban ng may-ari nitong si Anne Jakrajutatip ng Thailand.

Nag-file kasi ang kumpanya ng nasabing business tycoon ng bankruptcy sa kanyang bansa.

Ang outgoing MU winner na si R’Bonney Gabriel ay may dugong Pilipino.

On our bet Michelle, masungkit kaya niya ang ikalimang Miss Universe crown? Ronnie Carrasco III

Previous article39 Pinoy nasa Gaza pa – DFA exec
Next article3 dinukot na Chinese nationals nasagip!