Home NATIONWIDE Pagiging ‘multi-mission ready’ force inihirit sa PH Army

Pagiging ‘multi-mission ready’ force inihirit sa PH Army

MANILA, Philippines- Dapat maging “multi-mission ready” force ang Philippine Army.

Ito ang iginiit ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. nitong Biyernes, para labanan umano ang mga banta laban sa soberanya ng bansa.

Inihatid ni Defense Secretary Gilbert Teodoro ang mensahe ni Marcos sa pagdiriwang ng ika-127 founding anniversary ng Philippine Army sa Camp O’Donnell sa Capas, Tarlac.

”As we march onwards to the Bagong Pilipinas that we aspire for, we need to transform our Army into a multi-mission ready, cross domain, and capable force that can effectively thwart emerging threats to our country’s stability and sovereignty,” pahayag ni Marcos.

”That is why we continue to boost our Army’s morale, efficiency, and responsiveness through continuous capacity building initiatives, rigorous training, and education activities and other meritorious pursuits,” patuloy ng Pangulo.

Binigyang-diin din niya na mahalaga ang abilidad ng bansang labanan ang cyberthreats.

”Given this emerging threat, I urge the Philippine Army to bolster its cybersecurity capabilities to keep up with rapid technological advancements and help maintain the country’s security and stability,” ani Marcos.

Hindi dumalo si Marcos sa event dahil sa naranasang flu-like symptoms, dahilan upang kanselahin ng kanyang opisina lahat ng kanyang events sa mga susunod na araw. Ayon sa Presidential Communications Office, bumuti na ang health condition Pangulo subalit kailangan pang magpahinga.

”Thank you for your service to our country which you have enthusiastically rendered without expecting any price or reward in return,” anang Punong Ehekutibo. RNT/SA

Previous article1st Women in Sports Awards: Mga atletang Pinay pinuri ni Bong Go
Next articleBiktima ng trafficking bumili ng pekeng dokumento sa FB