Home ENTERTAINMENT Pagiging preggy ni Ria kay Zanjoe, pinagpipilitan ng netizens!

Pagiging preggy ni Ria kay Zanjoe, pinagpipilitan ng netizens!

Manila, Philippines- Ginulat ng celebrity couple na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde ang kanilang fans na sila’y engaged na.

Sa kanilang pananahimik at kakaunting exposure sa showbiz ngayon, maraming netizens ang nagko-comment sa biglaan nilang desisyon.

Hindi lingid sa ngayo’y vlogger na si Ogie Diaz at kanyang mga kasamahan sa kanyang online program ang tungkol sa isang blind item kung saan ang kapatid umano ng isang aktor ay buntis na.

Kaya nag-especulate umano ang mga netizens sa blind item at sinabing ito ay si Ria.

“Well, maraming nagtuturo sa comment section. Puro si Ria ang itinuturo. Dahil nag-announce sila ng engagement.

“Alam mo, kung sakali man na ito’y totoo, aba, hindi naman tayo para magtaka pa,” sabi ni Ogie

“Ilang taon na si Ria, 32? Si Zanjoe, 42? Nasa edad na sila. HIndi na sila mga menor para ipaalala pa sa kanila yung mga pros and cons ng mga mag-asawa, gaya ng pagbubuntis,” dagdag pa ni Ogie.

Kung sakaling totoo man daw ang chismis na buntis ang actress ay hayaan na lamang daw na sina Ria at Zanjo ang mag-announce.

“Kung sakali mang totoo, bakit tayo ang mag-aannounce. Hayaan natin sila ang mag-announce kung sakaling totoo na. Bigay natin ‘yung moment na ‘yun na sila yung mag-aannounce, kasi sila naman ang nakakaalam ng totoo,” sabi ni Ogie. Ador Saluta

Previous articleFire victims sa GenSan at Norala, S. Cotabato tinulungan ni Bong Go
Next articleJeric, ibinisto ang pagli-live in nina AJ at Aljur!