MANILA, Philippines – Nilinaw ng pamahalaan ng Pilipinas nitong Lunes, Mayo 29 na ang insidente ng pagka-aksidente ng 15 Filipino cyclists ay walang kinalaman sa hate crime kaugnay sa visa issuance ng dalawang bansa.
“It is not a hate crime against Filipinos. That’s not what it looks like. What happened was that for some time there have been concerns in Kuwait over the lack of bike lanes and there have been incidents, accidents where aggressive drivers have injured cyclists,” ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega sa panayam ng CNN Philippines.
Nitong Mayo 27, iniulat ng DFA na ilang Filipino cyclists ang nasaktan sa Arabian Gulf Road matapos mahagip ng isang sasakyan.
Ani De Vega, 11 sa mga nagbibisikleta ay dinala na sa ospital.
Sasagutin ng Kuwaiti government ang pagpapagamot sa mga biktima, ngunit handa rin umano ang Pilipinas na magpaabot ng tulong.
Samantala, sumuko na sa mga awtoridad ang suspek na drayber ng sasakyan.
Planong maghain ng legal na hakbang laban sa suspek ang mga biktima. RNT/JGC