Pagkakaaresto, ipinaliwanag; human-trafficking, iba pang kaso, ipinupukol vs. FLM

Pagkakaaresto, ipinaliwanag; human-trafficking, iba pang kaso, ipinupukol vs. FLM

May 19, 2020 @ 5:53 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Dumipensa si Norman Mangusin o mas kilala sa tawag na Francis Leo Marcos o FLM na maaari umanong may kinalaman sa isang reklamo sa Gapan, Nueva Ecija na Estafa kung saan na-acquit o naabswelto sa pag-aresto sa kanya ng National Bureau of Investigation Cyber Crime Division kaninang umaga sa Quezon City kaugnay sa R.A 8050 o paglabag nito sa Optometry Law.

Sa isang press conference, sinabi niyang simula 2010 ay nagbibigay na siya ng optical mission o libreng pasalamin sa mata sa buong bansa, tatlong beses sa isang taon.

Nagdemanda aniya ang mga optical clinic dahil hindi sila kumikita at taong 2014 nagkaroon siya ng optical mission sa General Santos, South Cotabato at parehong grupo o ang Optometrist Association of the Philippines din ang nagreklamo.

Kaya naman nang dumating ang NBI sa Quezon City para arestuhin siya ay agad itong sumama upang linawagin ang cease and desist order at warrant of arrest  laban sa kanya.

Batay kasi sa hawak na warrant ng NBI, sinabi ni NBI Spokesperson Ferdinando Lavin na mayroon pang ibang arrest warrant si FLM na kanilang bineberipika.

Kabilang dito ang Anti-Human Trafficking in Persons Act noong 2006 sa Maynila. Ayon kay Lavin ito ay non-bailable dahil sa pagkakasangkot nito sa recruitment ng mga bata.

Depensa naman ni FLM, wala siyang kinalaman sa human trafficking at hindi rin siya sangkot sa anomang iligal na aktibidad dahil siya umano ay masipag na naghahanapbuhay.

Gayundin ang paglabag sa R.A 9262 o Abandonment and Abuse of Child and Women na inihain naman sa Gapan City.

Biniberipika rin ng NBI ang kanyang identity kung saan gumagamit ito ng pangalang Francis Leo Marcos gayung ang tunay niyang pangalan ay Norman Mangusin.

Paliwanag ni FLM, kung siya man ay naging Marcos itanong na lamang aniya sa kanyang ina na nagbigay sa kanya ng pangalan dahil maging ang mga luma aniyang mga pasaporte ay Marcos din ang ginagamit niyang pangalan.

Ipinaliwanag din ni FLM kung saan nangaggaling ang perang kanyang itinutulong sa publiko.

Aniya nakapagbenta ito ng kanyang minana na 36 ektarya na lupa at bahay sa halagang P40 milyon sa Ramon, Isabela kaya ito aniya ang kanyang itinutulong dahil gusto niyang magkaroon ng saysay ang kanyang buhay.

Sa kabila nito, sinabi ni Lavin na ikukulong muna sa NBI si FLM haggang ma-revoke o ma-lift ang kanyang warrant o iba pang kautusan mula sa korte.

“Dito muna siya for security reason. Ide-detain muna natin. Depende upon the  chief. Titignan namin kasi may mga ibang detainees kami, so we will take that into consideration” ayon pa kay Lavin.

Sinabi naman ni FLM na kaniyang sasagutin at patutunayan sa korte ang mga akusasyon laban sa kaniya kung saan naniniwala siyang napag-initan lamang. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Share

Leave a Reply

Loading...