Pagkakakilanlan, lokasyon ng netizen na nagbanta ng rape vs Frankie, tukoy na ng DOJ

Pagkakakilanlan, lokasyon ng netizen na nagbanta ng rape vs Frankie, tukoy na ng DOJ

June 23, 2020 @ 12:01 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Tukoy na ng Department of Justice (DOJ) ang pagkakakilanlan at lokasyon ng taong sinasabing nagbanta ng rape kay Frankie Pangilinan, ayon sa isang opsiyal nitong Martes.

Ayon kay Justice Undersecretary Markk Perete, nakiusap din ang cybercrime office ng ahensya sa Facebook na panatilihin ang laman ng account kung saan sinasabing ginawa ang pagbabanta.

“Should a complaint be filed, law enforcers may apply for a warrant to disclose computer data and a request for extradition, if warranted, may be made,” aniya sa isang mensahe.

Nauna nito, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na inutusan na niya ang National Bureau of Investigation upang beripikahin ang pagkakakilanlan at lokasyon ng nasabing netizen.

Nitong weekend, sinabi rin ni Guevarra na lumapit sa kanya ang ina ni Frankie na si Sharon Cuneta at nagpahayag ng “strong desire” upang maghain ng reklamong kriminal laban sa taong nagbanta.

Nakilala si Pangilinan sa pagpapasimula ng #HijaAko hashtag bilang tugon sa TV at radio personality na si Ben Tulfo na nagsasabi sa mga kababaihang magig “careful with the way you dress up” upang iwasan ang “inviting” rapists. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...