Home NATIONWIDE Pagkakaroon ng legit PH passport ng mga dayuhan pinatatalupan sa NBI

Pagkakaroon ng legit PH passport ng mga dayuhan pinatatalupan sa NBI

MANILA, Philippines – Pinaiimbestigahan sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Bureau of Immigration (BI) kung paano iligal na nakukuha ng mga undesirable foreign nationals ang mga tunay na pasaporte ng Pilipinas at iba pang mga dokumento.

Sinabi ni BI Spokesperson Dana Mengote-Sandoval na sa pamamagitan ng tulong ng NBI at ang Department of Justice (DOJ) ay maari maimbestigahan ng malalimlalim ang naturang problema.

“Nakikita po ito natin talaga as a national security issue”, ani Sandoval.

Sinabi ni Sandoval na nakapagtala na ang BI ng hindi bababa sa 10 kaso kung saan nakuhanan at gumagamit ang mga dayuhan ng authentic Philippine passport.

Sinabi rin niya na titignan din ng imbestigasyon kung paano nagawang iligal ng mga dayuhang ito ang pagkuha ng iba pang tunay na dokumento ng Pilipinas.

Aniya base sa mga naarestong mga dayuhan na mga illegal aliens, karamihan sa kanilang mga dokumento ay ipinasa lamang sa kanila ng kanilang mga kababayan na nagsisilbing fixer.

“Sa nakikita po natin mukhang malaking sindikato ito dahil hindi lang isang dokumento but different kinds of documents po ang naipepresent ng mga illegal aliens na ito para magpanggap o misrepresent themselves as Filipino citizens”. (Jocelyn Tabagcura-Domenden)

Previous articleM-5.0 lindol yumanig sa Calaca, Batangas
Next article500 Pinoy minarkahang ligtas sa Israel war