Pagkamatay ng 4 na sundalo sa Sulu misencounter, iimbestigahan ng NBI

Pagkamatay ng 4 na sundalo sa Sulu misencounter, iimbestigahan ng NBI

June 30, 2020 @ 11:09 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – IImbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naganap na engkwentrong ikinasawi ng apat na sundalo sa kamay ng mga pulis sa Sulu nitong Lunes.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac na sumang-ayon ang kapulisan at Armed Forces of the Philippines (AFP) na magsagawa ng imbestigasyon ang regional office ng NBI sa Zamboanga City.

Aniya, inatasan si Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) director Brig. Gen. Manuel Abu na magpatupad ng administratibo at operational support sa NBI.

Sa isang ulat, hinarang ng pulisya mula sa Jolo Municipal Police Station (MPS) ang apat na lalaking sakay ng sports utility vehicle (SUV) habang nagmamando ng checkpoint.

Inaresto ng mga pulis ang apat na kalalakihan at inutusang pumunta ang mga ito sa Jolo MPS upang beripikahin.

Subalit, tumakas umano ang apat na lalaki, na kalauna’y napag-alamang kasapi ng intelligence unit ng AFP, patungong Barangay San Raymundo at hinabol ang mga ito.

Diumano, bumaba ang apat na lalaki sa sasakyan at tinutukan ng baril ang mga pulis. Sinasabi ring pinaputukan sila ang mga pulis na nagresulta sa isang engkwentro.

Napatay sa insidente ang isang major, isang captain, isang sergeant, at isang corporal. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...