Home METRO Pagkamatay ng inmate tatalupan ng MPD

Pagkamatay ng inmate tatalupan ng MPD

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District -Homicide Section ang pagkamatay ng isang inmate na naaresto sa kasong Act of Lasciviousness.

Sa ulat mula sa MPD-Station 5, kinilala ang inmate na si Alejandro San Buenaventura III y Vilalmor, 35 anyos, at tubong Camarines Sur.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, alas 9:29 Martes ng gabi nang ideklarang patay ang preso sa Gat Andres Bonifacio Medical Center matapos siyang isugod ng custodial officer.

Nakaranas umano ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pananakit ng ulo kaya dinala ito sa Ospital ngunit namatay din.

Ayon sa pulisya, ipinagbigay alam na sa pamilya ng inmate ang insidente. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleAnnabelle, papangalanan na ang sasampalin at sasabunutan!
Next articleBulalacao, Oriental Mindoro inilagay sa state of calamity sa El Niño