Home METRO Pagkasawi ni veteran actor Ronaldo Valdez, iniimbestigahan ng QCPD

Pagkasawi ni veteran actor Ronaldo Valdez, iniimbestigahan ng QCPD

MANILA, Philippines – Sinabi ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Lunes, Disyembre 18, na mahigpit nilang iniimbestigahan ang pagkasawi ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.

“As of today, [the] QCPD is currently conducting a thorough investigation to ascertain the cause of the death of Mr. James Gibbs aka Ronaldo Valdez,” saad sa pahayag ng QCPD.

“We understand the importance of this matter; hence, we are working diligently to gather all relevant facts and evidence,” dagdag pa nito.

Nakiramay naman ang QCPD sa pagkamatay ni Ronaldo Valdez o James Ronald Dulaca Gibbs sa totoong pangalan.

Siniguro naman ng QCPD sa publiko na anumang resulta ng imbestigasyon ay opisyal na ilalabas, kung kaya’t iwasan umano ang paggawa ng mga haka-haka bilang respeto na rin sa pamilya ng aktor.

Ngayong araw, kinumpirma ng singer at aktor na si Janno Gibbs ang pagkamatay ng kanyang ama.

“It is with great sorrow that I confirm my father’s passing,” aniya.

Humiling din ito ng respeto sa privacy ng kanilang pamilya.

“Your prayers and condolences are much appreciated,” sinabi ni Janno. RNT/JGC

Previous article#WalangPasok ngayong Lunes, Disyembre 18 sa bagyong Kabayan
Next articleHigit 6,700 katao inilikas sa bagyong Kabayan, shear line sa Caraga – NDRRMC