MANILA, Philippines – Binaligtad ng Supreme Court ang naging desisyun ng Court of Appeals (CA) na pumabor na matuloy ang pagtestigo ni Juliette Gomez Romualdez kaugnay sa ill-gotten wealth case.
Si Juliette Romualdez ay asawa ni Benjamin “Kokoy” Romualdez at ina ni House Speaker Martin Romualdez.
Sa desisyun ng SC First Division binaligtad at isinantabi nito ang September 2019 decision at December 2019 na resolusyon ng CA.
Magugunita na kinatigan ng CA ang kautusan ng Makati RTC Branch 137 na paboran ang First Philippine Holdings Corporation’s (FPHC) sa kanilang petition to perpetuate sa testimonya ni Juliette Romualdez bunsod ng kaniyang katandaan at kasalukuyang kondisyon.
Ang petition to perpetuate ay hinihiling upang mapreserba ang testimonya upang magamit ito sa hinaharap sakaling hindi na makakaharap sa korte ang tao na kailangan kuhanan ng testimonya.
Sa desisyun ng Korte Suprema nakagawa ang CA ng grave abuse of discretion ng iutos nito na ang perpetuation ng testimonya kahit nakabinbin pa ang apela ni Juliette Romualdez.
Ayon sa SC mistulang nagpadalos dalos ang CA sa desisyun nito na nagmukhang nakakiling pabor sa FPHC.
Ang FPHC ang dating may-ari ng 6,299,177 na shares sa Philippine Commercial and Industrial Bank (PCIB shares). Ibinenta ng FPHC ang PCIB shares saTrans Middle East Equities Inc. (TMEE).
Taon1986 siniquester ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang PCIB shares dahil bahagi umano ito ng ill-gotten wealth ni Benjamin Romualdez.
Ayon sa SC wala nang ligal na basehan ang inihain na mosyon ng FPHC dahil matagal ng ibinasura ng Sandiganbayan ang reklamo dahil sa kabiguan PCGG na patunayan na bahagi ng ill-gotten wealth ni Benjamin Romualdez ang Trans Middle East Equities Inc. (TMEE)
Nalinis na ang pangalan ni Benjamin Romualdez sa snumang koneksyon sa TMEE at hindi patas sa para sa kaniyang biyuda na gamitin bilang pain (bait) sa fishing expedition ng FPHC laban sa TMEE. Teresa Tavares