Pagkukumpara ng COVID-19 cases sa ibang bansa, dapat mas maging maingat: Vergeire

Pagkukumpara ng COVID-19 cases sa ibang bansa, dapat mas maging maingat: Vergeire

June 30, 2020 @ 8:53 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Maingat dapat na isinasagawa ang pagkukumpara ng mga datos sa coronavirus disease o COVID-19 sa iba pang bansa, ayon sa Department of Health.

Sa COVID-19 presser, sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mahalaga ang healthcare system capacity at economic status sa pagkukumpara.

“Kung kinakailangang magkumpara, mas mainam po na tingnan nalang po natin ang mga bansa sa kabuuan po ng Asean,” ani Vergeire.

Maaalalang sinabi ng World Health Organization na pinakamataas at mabilis ang pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas.

“Bagaman mas mataas ang ating case fatality rate na 3.55 percent kumpara kabuuang 2.9 percent para sa lahat ng bansa sa Asean, patuloy po ang pagbaba nito at mas mababa po ang ating case fatality rate kumpara sa buong mundo na (While our country’s case fatality rate of 3.55 percent is high compared to the 2.9 percent for all the Asean countries, it continues to go down and our fatality rate is lower compared to the whole world at) 5.15 percent,” lahad ni Vergeire.

Dagdag pa nito, patuloy na ginagawa ng DOH ang lahat para mas mapaganda ang kanilang healthcare system capacity, testing capacity, at contact tracing. RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...