MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Land Transportation Office (LTO) na ipinagbabawal ang pagkumpiska sa plaka ng mga sasakyan kapag nahuli ng law enforcers at deputized agents.
Sa pahayag, sinabi na naglabas ng memorandum si LTO chief Jay Art Tugade na nagbabawal sa pagkumpiska ng license plates ng mga sasakyan, bilang tugon na rin sa reklamo at tanong sa ahensya kaugnay nito.
“To avoid further confusion, all LTO enforcement personnel and its deputized agents shall be prohibited from confiscating motor vehicle license plates in lieu of the physical impoundment of the apprehended motor vehicles,” saad sa pahayag.
Advertisement