Home NATIONWIDE Pagkumpleto sa national ID project tinututukan ni PBBM – Balisacan

Pagkumpleto sa national ID project tinututukan ni PBBM – Balisacan

MANILA, Philippines – NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sentralisadong national digital ID system na available sa lahat ng ahensiya.

Mahigpit din na mino-monitor ng Pangulo ang pag-kompleto ng proyekto.

“No less than the President has been monitoring closely the completion of this project. There has been some delays but…the problems are being addressed,” ayon kay NEDA Director General Arsenio Balisacan sa Palace press briefing.

Sinabi pa ni Balisacan na payag ang gobyerno sa probisyon ng digital ID bago ang distribusyon ng physical IDs at minamadali ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagsisikap nito.

Nauna rito, sa halip na lumipat sa digital ID, sinabi ni Balisacan na isinantabi ito ng pamahalaan bilang “second priority.”
“But now, that has changed. We realized that we should first make those digital IDs so that anyone who has a phone can already use the digital ID and that is now the primary responsibility of the DICT,” paliwanag nito.

“There’s now an agreement between the Philippine Statistics Authority and the DICT to transfer the provision of digital ID to DICT while PSA will continue with its physical ID production and distribution,” aniya pa rin.

Iniulat ni Balisacan na ang gobyerno ay “more than halfway” sa produksyon ng physical IDs at hangad na bilisan ang distribusyon ng kahalintulad upang mabigyan ang lahat ng identification bago matapos ang taon.

“The national ID project completion is important because it will reduce transaction costs in government as well as in the private sector,” ayon sa socioeconomic planning secretary.

“It will also allow the government to save a lot of resources under its social protection programs since many of the income transfers targeted for the poor do not end up with the intended beneficiaries because of the leakages,” aniya pa rin.

Gamit ang digital ID, ang ‘ayuda’ o transfer income support gaya ng food stamp program ng Social Welfare department ay ide-deliver sa pamamagitan ng digital card gamit ang digital IDs.

“So, each one of us will have a unique ID, unique number and you can no longer tamper with that. So, wala na iyong nagdudoble iyong benefits na nari-receive or ghost beneficiary or mga ganoong klaseng issues,” ang wika ni Balisacan. Kris Jose

Previous articleTatlong turista sa Mt. Province arestado sa P1.9M marijuana
Next articleNawawala sa Hawaii wildfire aabot sa 1,100