Home NATIONWIDE Paglagda ni PBBM sa Regional Specialty Centers Act, pinuri ni Sen. Go

Paglagda ni PBBM sa Regional Specialty Centers Act, pinuri ni Sen. Go

439
0

MANILA, Philippines – Pinuri ni Senador Christopher “Bong” Go, principal sponsor at isa sa mga may-akda ng Regional Specialty Centers (RSC) Act, ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa panukala bilang batas.

“I would like to extend my heartfelt gratitude to President Ferdinand Marcos, Jr. for recognizing the importance of this legislation and signing it into law. His support has been instrumental in bringing specialized medical care closer to our fellow Filipinos,” sabi ni Go.

“Walang Pilipino ang dapat mapag-iwanan pagdating sa kalusugan. Ang bawat Pilipino ay may karapatan sa dekalidad na serbisyong medikal, kahit saan man sila sa bansa,” idinii niya.

Nilalayon ng batas na lumikha ng mga karagdagang specialty center sa iba’t ibang rehiyon, para matiyak na ang mga Pilipino ay may access sa mga espesyal na serbisyong medikal.

“With the signing of this law, we are taking a giant leap in improving access to specialized medical care and bringing these services closer to Filipinos in need,” anang senador.

“Now, our countrymen suffering from severe illnesses won’t have to travel to Manila for treatment at specialty hospitals like the Philippine Heart Center or Lung Center,” idinagdag pa niya.
Kasama sa bagong pinagtibay na batas ang mga probisyon para sa pagtatatag ng mga specialty centers sa loob ng umiiral na government-controlled corporations o specialty hospitals.

Nakasaad din dito ang mga partikular na kakayahan sa serbisyo na ipapatupad ng Department of Health (DOH) sa regional hospitals.

“By setting clear standards, we are ensuring that these specialty centers will have the necessary expertise and resources to cater to patients’ specialized medical needs effectively across the country,” ani Go.

Idinetalye rin ng batas ang mga medical specialty na dapat unahin ng DOH sa pagtatayo ng mga center na ito. Ipinahayag ni Go ang kanyang pasasalamat sa pagtutulungan ng kanyang mga kapwa mambabatas sa pagbuo ng isang komprehensibong batas.

“Isa pong malaking tagumpay para sa atin ang pagiging ganap na batas ng SBN 2212, o ang Regional Specialty Centers Act. Isa po tayo sa author at tayo rin ang principal sponsor nito sa Senado. Nakakuha ito ng 24-0 na boto sa Senado dahil sa pagsang-ayon ng aking mga kasama na makabubuti ito para sa lahat,” ayon kay Go.

“Ang mga pasyente na nangangailangan ng special medical care ay kinakailangan pang bumiyahe at gumastos para lang magpagamot sa mga specialty hospitals na ito. Pero hindi naman dapat mahirapan ang ating mga kababayan na maka-access sa serbisyo ng gobyerno lalo na pagdating sa usaping kalusugan. Ang gobyerno dapat ang maglapit ng serbisyo sa mga tao. Kaya sa ilalim ng bagong batas ay dadalhin na ang ganitong specialized medical services sa bawat rehiyon,” anang mambabatas.

Umaasa siya na sa pagtatayo ng specialty centers sa buong bansa ay lalong mapalalakas ang healthcare system at magiging accessible sa bawat Pilipino ang serbisyong medikal na kailangan nila.

Ayon sa timeline ng DOH, ang mga specialty center na itatayo sa National Capital Region ay sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center, Quirino Memorial Medical Center, East Avenue Medical Center, Tondo Medical Center, Jose R. Reyes Memorial Medical Center, Valenzuela Medical Center , Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center, Rizal Medical Center, at Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium.

Sa Luzon, magtatayo ng specialty center sa Baguio General Hospital and Medical Center, Region I Medical Center, Ilocos Training and Regional Medical Center, Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center, Cagayan Valley Medical Center, Region II Trauma and Medical Center, Southern Isabela Medical Center, Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center, Bataan General Hospital and Medical Center, Mariveles Mental Wellness and General Hospital, Batangas Medical Center, Ospital ng Palawan, Culion Sanitarium and General Hospital, Bicol Medical Center, Bicol Region General Ospital, Geriatric Medical Center, Bicol Medical Center, at Bicol Regional Hospital and Medical Center.

Sa Visayas naman ay sa Western Visayas Medical Center, Western Visayas Sanitarium and General Hospital, Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital, Vicente Sotto Memorial Medical Center, Governor Celestino Gallares Memorial Medical Center, at Eastern Visayas Medical Center.

Sa Mindanao, ilalagay ang mga specialty center sa Zamboanga City Medical Center, Northern Mindanao Medical Center, Mayor Hilarion A. Ramiro Sr. Medical Center, Southern Philippines Medical Center, Davao Regional Medical Center, Cotabato Regional and Medical Center, Caraga Regional Hospital, Adela Serra Ty Memorial Medical Center, at Amai Pakpak Medical Center.

“Ang batas na ito ay simbolo ng ating pagkakaisa at determinasyon na gawing abot-kamay ang specialized healthcare services para sa lahat,” pagtatapos ni Go. RNT

Previous articleBatang lalaki utas sa e-bike sa Navotas
Next articlePagsugpo sa illegal trade, pinauuna ni Gatchalian kaysa bagong buwis

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here