Home NATIONWIDE Paglago ng ekonomiya ng Pinas mas bumagal; mintis sa target ng gobyerno.

Paglago ng ekonomiya ng Pinas mas bumagal; mintis sa target ng gobyerno.

MANILA, Philippines – MAS bumagal ang ekonomiya ng Pilipinas dahil mayroong lamang itong 5.6% noong nakaraang taon, mababa sa target ng gobyerno.

Ito’y sa kabila ng tumaas ang interest rates resulta ng high inflation na nagpatamlay naman sa pagkonsumo.

Ito ay batay sa data na ipinalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).

“The economy, as measured by gross domestic product (GDP) or the total value of goods and services produced in a period, grew by 5.6% from October to December 2023,” ayon kay PSA chief and National Statistician Claire Dennis Mapa.

Mas mabagal ito kaysa sa 7.1% growth rate na nakita noong fourth quarter ng 2022. Pagkabawas din ito mula sa pumaitaas na revised third quarter 2023 GDP growth rate na 6%.

Ang fourth quarter economic performance ang nagdala sa ] full-year 2023 economic growth rate sa 5.6%, mas mabagal kaysa sa 7.6% full-year 2022 GDP growth.

Ito ay mas mababa sa target range ng gobyerno na 6% hanggang 7% para sa 2023’s full-year GDP growth.

“While this growth is below our target of 6 to 7% for this year, this keeps us in the position of being one of the best-performing economies in Asia,” ayon naman kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan.

Comparing the growth rates of neighbors in the region, the Marcos administration’s chief economist said the Philippines’ fourth quarter growth surpassed that of China (5.2%) and Malaysia (3.4%) while falling behind Vietnam (6.7%).

“More importantly, our full-year GDP for 2023 is now 8.6% higher than pre-pandemic levels,” dagdag na wika nito.

Tinuran ni Balisacan na ang pagbagal na nakita noong 2023 ay maaaring iugnay sa “possibly to effects of past interest rate increases.”

Itinaas naman ng policy-setting Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang benchmark interest rate ng 450 basis points simula May 2022 para pahinain ang inflation, resulta mula sa “global supply disruptions at economic uncertainty” kasunod ng full-scale attack ng Russia at paglusob ng Ukraine simula February 2022.

“Notably, the Philippines’ full-year inflation — which measures the rate of increase in the prices of goods and services — accelerated to 6% from 5.8% in 2022,” ayon kay Mapa.

“The impact of inflation is on Household final consumption expenditure. We saw the impact on food expenditure… directly affected by inflation,” aniya pa rin.

Ang paggasta sa pagkain para sa buong taon ay lumago ng 8.1%, mas mabagal sa 12.4% noong 2022.

“We are concerned about the low growth in real spending on food due to high food prices, though it has moderated in recent months,” ayon kay Balisacan.

Samantala, ang household final consumption expenditure ay bumaba sa 5.3% mula sa 7% sa nakalipas na quarter noong

2022. Para sa buong taon, bumagal ang household spending dahil nakapagtala lamang ito ng 5.6% mula 8.3% noong 2022.

“The government will be relentless in managing inflation, especially for basic commodities such as food. Our efforts include improving the efficiency and building resiliency of the agriculture value chain, utilizing strategic trade policy when domestic production is inadequate, and establishing mechanisms to empower consumers to exercise their market power to combat inflation,” ayon kay Balisacan. Kris Jose

Previous articleCaraga binayo ng buntot ng LPA; sea travel, mga klase suspendido
Next article4 senador bagong miyembro ng Commission on Appointments