MANILA, Philippines – Bumagal ang paglago ng factory output ng Pilipinas noong Hunyo dahil sa napaulat na pagbaba rin sa 13 industry divisions sa nasabing buwan.
Sa preliminary results ng Monthly Integrated Survey of Selected Industries (MISSI) ng Philippines Statistics Authority (PSA), lumabas na ang volume of production index (VoPI) ay lumago ng 3.4% lamang sa buwan ng Hunyo.
Mas mabagal ito sa revised 7.7% noong Mayo, bagama’t mas mabilis ng 0.04% sa kaparehong buwan noong 2022.
Itinuturo ng PSA ang pagbagal sa annual declines sa manufacture of food products sa 3.2% na paglago, fabricated metal products sa 36.4%, at beverages sa 7.7%.
“The annual drop of VoPI for manufacture of food products in June 2023 was mainly due to the annual decrement observed in manufacture of dairy products industry group,” sinabi ng PSA.
“Other main drivers to the annual decrease of VoPI for manufacture of food products were the annual declines in the manufacture of other food products… and the faster annual decline in the processing and preserving fish, crustaceans, and mollusks,” dagdag pa nito.
Nakitaan din ng pagbagal ang manufacture ng wearing apparel (-34.5.5%), furniture (-28.2%), machinery and equipment (-21.6%), tobacco products (-20.5%), leather and related products (-13.0%), other non-metallic mineral products (-8.4%), paper and paper products (-7.2%), computer, electronic, and optical products (-7.0%), rubber and plastic products (-4.7%), at textiles (-0.5%).
Ang mga dibisyon naman na nakapagtala ng paglago ay ang printing and reproduction of recorded media (34.6%), manufacture of transport equipment (30.6%), electrical equipment (29.5%), repair and installation of machinery (23.6%), basic pharmaceutical products (20.0%), coke and refined petroleum products (15.4%), basic metals (15.0%), wood, bamboo, cane, rattan articles (3.7%), at chemicals (0.6%).
Samantala, ang value of production index (VaPI) ay lumawak ng 3.9%, mas mabagal sa 9.9% noong Mayo, at 7.8% noong Hunyo 2022. RNT/JGC