Home NATIONWIDE Paglago ng PH manufacturing, bumagal noong Dec. 2022

Paglago ng PH manufacturing, bumagal noong Dec. 2022

107
0

MANILA, Philippines- Patuloy ang pagbagal ng paglago Philippine manufacturing noong December 2022 sa kalahating full-year growth rate kumpara noong nakaraang taon, batay sa government data na ipinalabas nitong Huwebes.

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang volume of production index (VoPI) growth na 4.8% noong, mas mabagal kumpara sa 5.9% noong Nobyembre at 19.2% noong Disyembre 2021.

Iniugnay ng PSA ang deceleration sa mas mabagal na annual increments sa manufacture ng transport equipment, computer, electronic at optical products at basic metals.

Naiulat din ang pagbagal sa annual growth rates ng indices ng walong industry divisions, habang walo pang industry divisions ang nakapagtala ng mas mataas na annual growth rates.

Kabilang sa mga nakapag-ulat ng expansions ang fabricated metal products maliban sa machinery and equipment, na nakapagtala ng pinakamataas na annual growth rate na 52.9% noong Disyembre 2022.

Lumago ang value of production index (VaPI) ng 10.1%, na mas mabagal din sa 12.5% noong Nobyembre at sa 19.6% na naitala sa parehong buwan noong 2021.

“The slower year-on-year growth… was predominantly brought about by the slower annual increase in the index of manufacture of transport equipment industry division,” anang PSA.

Lumago naman ang manufacture ng transport equipment ng 3.2%, mas mabagal sa 20.5% noong Nobyembre, habang lumago ang manufacture ng computer, electronic, at optical products ng 24.1%, mas mabagal sa 32.3% noong nakaraang buwan.

Ang average capacity utilization rate para sa manufacturing sector sa nasabing buwan ay 71.6%, mas mababa sa 72.6% sa nakalipas na buwan.

Halos 24.3% ng mga establisimiyento ang nag-operate sa full capacity o sa pagitan ng 90% hanggang 100%; halos 40.7% ang nag-operate sa 70% hanggang 89%; at 35.0% ang nag-operate sa mas mababa sa 70% na kapasidad. RNT/SA

Previous articlePBBM nakakuha ng investment commutment sa produksyon ng asukal, ethanol sa Pinas
Next article3 senador umalma sa Cha-Cha ni Padilla