Home NATIONWIDE Paglalagay sa Red Sea bilang high-risk area, suportado ng Pilipinas

Paglalagay sa Red Sea bilang high-risk area, suportado ng Pilipinas

MANILA, Philippines – Ikinatuwa ng Department of Migrant Workers (DMW) ang desisyon ng International Bargaining Forum (IBF) na italaga ang southern section ng Red Sea at Bab El-Mandeb Strait patungong Gulf of Aden bilang High-Risk Area.

Sa pahayag ng DMW nitong Sabado, Disyembre 23, inilarawan ng ahensya ang aksyon bilang “swift response” ng IBF sa kabila ng mga banta na kinahaharap ng Filipino seafarers sa lugar.

“We commend the IBF’s swift response to increased threats to the safety and well-being of Filipino seafarers in the Red Sea and Gulf of Aden,” ani DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac.

Noong Nobyembre, isang barko na may dalawang Filipino seafarers ang tinarget ng hijacking attempt sa Gulf of Aden. Sa kabila nito, hindi naman nasaktan ang mga sakay ng barko.

Disyembre 16 naman ay inatake ng Yemeni rebel group na Houthi ang barko na may sakay na 15 Filipino seafarers sa kaparehong lugar. Ligtas din ang lahat ng mga sakay nito.

Sisiguruhin naman ng DMW ang kaligtasan ng lahat ng mga marinong Filipino.

“We assure Filipino seafarers and their families that the DMW is committed to their safety and will continue to work tirelessly to protect their rights and welfare,” dagdag ni Cacdac. RNT/JGC

Previous article60K daily arrivals naitala ng BI sa buong bansa ngayong Disyembre
Next articleMarian, paboritong papakin ang kilikili ni Dong!