Home NATIONWIDE Paglalayag ng 4 PLA Navy ships sa Balabac kinumpirma ng AFP

Paglalayag ng 4 PLA Navy ships sa Balabac kinumpirma ng AFP

MANILA, Philipines- Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Biyernes ang pagdaan ng apat na People’s Liberation Army Navy (PLAN) vessels sa Balabac Strait sa pagitan ng Palawan at Borneo.

Inihayag ni AFP Public Affairs Office chief Colonel Xerxes Trinidad na namataan ang PLAN destroyer Luyang III (DDG-168) at frigate Jiangkai II (FFG-570) sa strait patungo sa direksyong southwest sa 13 knots ng ala-1:49 ng hapon nitong Hunyo 19.

Dalawa pang PLAN vessels – ang destroyer Renhai (CG-105) at ang replenishment oiler Fuchi (AOR-907) – ang na-monitor patungo sa southwest direction sa strait sa 15 knots ng alas-3:56 ng hapon.

Ayon kay Trinidad, bilang bahagi ng standard operating procedure, hinamon ang Chinese Navy vessels. Sinabi ng AFP official na tumugon naman ang mga barko.

Base pa sa opisyal, karaniwang dinaraanan ang strait ng international vessels.

”Our capability to monitor and respond to such activities is a testament to our commitment to maritime domain awareness and the protection of our territory, sovereignty, and sovereign rights. Rest assured, the AFP remains vigilant in safeguarding our maritime interests,” wika niya.

Inilahad ng dating barangay chairman sa Onok Island sa Balabac, Palawan na pauwi na sila ng kanyang grupo mula sa isang medical mission sa isla nang mamataan nila ang dalawang Chinese ships.

Aniya, inakala nila noong una na ang mga barko ay Philippine vessels hanggang makita nila ang Chinese flags.

Ayon sa doktor na bahagi ng medical mission, lumapit ang isa sa foreign ships hanggang isang kilometro.

Sa pagtataya niya, nasa municipal waters na umano ng Balabac ang Chinese vessels.

Sinabi ng Philippine Navy na halos 150 Chinese vessels ang na-monitor sa iba’t ibang maritime features sa West Philippine Sea. RNT/SA