Home ENTERTAINMENT Paglayas ni Buboy sa EB, fake news!

Paglayas ni Buboy sa EB, fake news!

Manila, Philippines – May sarili nang Facebook page ang revamped Eat Bulaga.

Ito ang Eat Bulaga Na! na so far ay merong 14,000 followers.

Matatandaang hindi ma-access ng bagong pamunuan ang orig na FB page ng EB dahil ayon kay Tito Sotto ay pag-aari nila ito.

Ani Tito, hinihingi nga raw ng kampo ng mga Jalosjos ang password nito.

Dahil hindi napasakamay ng bagong management ang FB page kung kaya’t nag-create sila ng sariling account.

Samantala, tinawag na fake news ng bagong EB staff ang kumalat na balitang magbibitiw na bilang cohost si Buboy Villar.

Buboy is among the new hosts of EB na ipinakilala nitong June 5, Lunes alongside Paolo Contis, Betong Sumaya, Legaspi twins Mavy and Cassy at iba pa.

Ayon sa tsismis, hindi raw ma-take ni Buboy ang inabot na batikos sa kanya kaugnay ng Ang Pinaka segment ng EB.

Natuklasan kasi na ang isang contestant doon ay tauhan ni Buboy sa negosyo nitong paresan.

Dahil dito’y pinaratangan ng pandaraya si Buboy, damay rin ang buong programa.

Ipinagkibit-balikat naman ni Buboy at ng EB management ang nasabing akusasyon.

Proof that Buboy did not resign from the show ay ang kanyang presensya nitong June 13, Martes.

Obyus na base sa demeanor ni Buboy ay hindi siya bothered sa mga pang-aalipusta sa kanya.

Marahil, nakakuha siya ng tip mula kay Paolo na immune o sanay na sa social media bashing.

Hindi nga ba’t ang linya ni Paolo sa litanya niya sa June 10 episode ng EB ay almusal, tanghalian at hapunan na raw niya ang

pamba-bash sa kanya? Ronnie Carrasco III

Previous articleCash-for-work program sa Albay residents target ng DSWD
Next articlePBBM inimbitahan sa 2023 UN Climate Change Conference sa Dubai