Home NATIONWIDE Paglikha ng trabaho, pagtulong sa MSMEs prayoridad ni PBBM

Paglikha ng trabaho, pagtulong sa MSMEs prayoridad ni PBBM

245
0

MANILA, Philippines – INUUNA ng administrasyong Marcos na tulungan ang micro, small, and medium-sized enterprises (MSMEs).

Sa katunayan, muling inulit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ginagawang paglutas ng pamahalaan para mabigyan ng tulong ang mga filipino at iangat ang kalidad ng buhay ng mga ito.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang distribusyon ng iba’t ibang tulong ng gobyerno sa Northern Samar, sinabi nito na “Nandito po kami para matiyak na ‘yung mga talagang bumagsak, kasi talagang maraming tinamaan ng mabigat, diyan naubos ang kanilang savings, nagsara ang kanilang negosyo, hindi na sila makabalik, ‘yun ang mga hinahanap namin para tulungan dahil ‘yan ang puno’t dulo ng ating ekonomiya, ang mga maliliit na negosyo, ang MSMEs.”

Nais aniya ng pamahalan na pasiglahin at muling buhayin ang MSME sector at tiniyak sa mga kooperatiba ang tulong mula sa gobyerno.

Pinangunahan naman ng Pangulo ang pamamahagi ng tulong mula sa Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa kabilang dako, ang Pangulo bilang concurrent Agriculture Secretary, nanguna sa distribusyon ng dalawang four-wheel drive tractors, tatlong multi-cultivators, apat na pump irrigation systems, isang cacao processing facility, iba’t ibang agricultural livelihood projects, apat na unit ng hand tractors at apat na rice threshers at apat na rice cutters.

Namahagi rin ang Pangulo ng mahigit sa 21,480 bag ng certified rice seeds, 300 bag ng hybrid rice seeds, fertilizer discount vouchers at P5,000 financial assistance kada isa para sa 1,220 farmer-beneficiaries sa Northern Samar.

Pinangunahan din ng Punong Ehekutibo ang pagbibigay ng tulong mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) gaya ng 16 deep sea fish aggregating devices o paya, tatlong high-density polyethylene cages, 150 set ng seaweed farm implement at fingerlings, at pagkain para sa tilapia production sa mga lawa.

Namahagi rin ang Chief Executive ng 20 piraso ng 30-foot at limang 22-foot fiberglass boats at mangrove crablets at formulated feeds habang nag-donate naman ang Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) ng dalawang ektaryang abaca mother block nursery sa local government unit ng Northern Samar.

Iniabot naman ng Pangulo ang apat na infrastructure projects sa provincial local government units ng Northern Samar.

Namahagi rin ang Pangulo ng financial assistance na nagkakahalaga ng P150,000 sa walong distressed overseas Filipino workers (OFWs) at scholarship assistance na nagkakahalaga ng P10,000 kada isa para sa dalawang dependents sa ilalim ng OFW Dependent Scholarship Program.

Nagpaabot din ang Pangulo ng medical assistance na ngakakahalaga ng P30,000 sa dalawang benepisaryo sa ilalim ng Welfare Assistance Program at financial assistance na nagkakahalaga ng P20,000 sa naulilang pamilya ng OFW.

Binisita rin ng Pangulo ang job fair na inorganisa ng DOLE sa Barangay Dalakit, bayan ng Catarman kung saan may 30 local employers ang naglatag ng 328 local vacancies.

Samantala, ang DTI at DA ang nagbigay ng special frontline services sa nasabing job fair kasama ang Philippine Statistics Authority (PSA), Social Security System, Pag-IBIG Fund, Philippine Health Insurance Corporation, at Technical Education and Skills Development Authority.

Makikita sa data ng PSA na may 48.26 milyong filipino ang may trabaho “as of May 2023”, habang 2.18 million mas mataas sa 46.08 million employment rate sa kaparehong panahon ng nakaraang taon. Kris Jose

Previous article10 patay sa kidlat sa India
Next articlePinoy healthcare workers mataas ang demand sa Canada – envoy

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here