Home HOME BANNER STORY Paglilinaw ni Diokno, rice price cap suportado ng economic team

Paglilinaw ni Diokno, rice price cap suportado ng economic team

447
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Finance Secretary Benjamin Diokno nitong Lunes, Setyembre 11, na bagama’t hindi kinonsulta ang economic team kaugnay sa ipinatupad na price ceiling sa presyo ng bigas, suportado naman nito ang naturang hakbang.

Sa pahayag, sinabi ni Diokno na nakikita ng economic team ang Executive Order 39 bilang isang “essential” stop-gap measure, ngunit binanggit ang kahalagahan ng pagkakaroon ng karagdagang hakbang para masuportahan ang layuning magkaroon ng long-term rice price stability sa bansa.

“We agree with the President that implementing a price cap on rice is the most prudent course of action at the moment to achieve two critical objectives: stabilizing rice prices and extending immediate support to our fellow countrymen,” ani Diokno.

“EO 39 serves as a lifeline, extending much-needed relief to Filipinos grappling with the high rice prices,” dagdag pa niya.

Matatandaang ipinatupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumatayo ring Agriculture Secretary, ang Executive Order 39 na nagmamandato ng price cap o presyo ng bigas na hindi lalampas sa P41 kada kilo sa regular-milled rice at P45 kada kilo sa well-milled rice.

Bago rito ay inamin ni Diokno na nagulat ang economic team sa anunsyo, lalo pa’t sila ay nasa Japan nang ilabas ito.

“Nasa Japan kami talaga when that was announced. Magkatabi kami ni Arsi. Nagulat nga kami, lumabas. Nagulat siyempre,” sinabi ni Diokno nitong Biyernes, na tumutukoy kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan.

Nauna nang inihayag ng NEDA ang pagsuporta nito sa price ceiling, sabay-sabing ito ay isang temporary measure lamang lalo’t papalapit na ang anihan. RNT/JGC

Previous articlePANOORIN: Padre de pamilya tumalon sa gusali, patay!
Next articleAtom Araullo naghain ng P2M civil suit vs Badoy, Celiz sa ‘red tagging’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here