Home NATIONWIDE Paglilinis ng mga LGU sa mga ilog, umarangkada na!

Paglilinis ng mga LGU sa mga ilog, umarangkada na!

710
0

MANILA, Philippines – Umarangkada na ang paglilinis ng local government unit (LGU) ng Quezon City sa mga ilog na bahagi ng programa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para muling buhayin ang mga ilog na bahagi ng river restoration projects ng pamahalaan.

Ayon sa Barangay E. Rodriguez ng Quezon City, patuloy ang isinagawang dredging operation sa Buwaya Creek na nag-uugnay sa apat na barangay ng Quezon City at mahigpit na pagbabantay upang hindi tapunan ng basura ang ilog.

Sinabi ni Barangay Captain Marciano Buena-Agua Jr. ng Brgy E. Rodriguez Sr. na malaking bagay ang isinasagawang paglilinis sa Buwaya creek upang muling mabuhay ang naturang ilog.

“May plano na ang QC government para sa on site relocation ng 600 pamilya ng informal settlers na maaapektuhan ng paglilinis sa naturang ilog at popondohan ito ng lokal na pamahalaan ng QC,” ani Buena-Agua.

Sa interbyu, sinabi ni Buena-Aqua na plano na rin maglagay ng basurahan sa paligid ng creek at fish net bilang pansalo sa mga basura upang hindi na dumiretso sa ilog ang mga basura.

Ang Buwaya Creek ay pangunahing ilog sa Quezon City na nag-uugnay at pinalilibutan ng Barangay East Kamias, West Kamias, Silangan at Brgy. E. Rodriguez na konektado sa Marikina River at San Mateo river.

Nauna rito ay inatasan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga local government units (LGUs) para linisin ang mga ilog sa Metro Manila kaugnay ng isinasagawang rehabilitasyon sa mga ilog at Manila Bay.

“Mahigpit na rin na ipinatutupad ang city ordinance para sa pagbabawal ng pagtatapon ng basura sa ilog kaya ipinatutupad ito ng barangay,” anito.

Idinagdag pa nito na kabilang dito ang pagsasagawa ng dredging sa mga ilog at daluyan nito. Santi Celario

Previous articleEl Nino hotbed sa epidemya, pagsasabatas ng CDC bill madaliin – Salceda
Next articleMother’s Day! sa Sunday Market!