Home NATIONWIDE Paglilitis sa Degamo slay umarangkada; gag order ipinalabas

Paglilitis sa Degamo slay umarangkada; gag order ipinalabas

MANILA, Philippines- Iprinisenta ng government prosecutors ang una nilang testigo sa unang araw ng paglilitis para sa multiple murder cases ni dating Negros Oriental 3rd District congressman Arnolfo Teves, Jr.

Dumalo si Pamplona Mayor Janice Degamo, biyuda ni governor Roel Degamo, sa paglilitis habang nananatili si Teves sa Timor Leste habang gumugulong ang extradition proceedings laban sa kanya.

Bago ang hearing, sumailalim si Marvin Miranda sa arraignment at hindi naghain ng plea, dahilan upang ihain ng korte ang not guilty plea.

Naghain naman ang magkapatid na sina Angelo ay Jay Ann Palagtiw ng not guilty pleas. 

Tumanggi ang mga abogado mula sa prosecution at defense, maging si Degamo, na magkomento matapos ang hearing.

Sinabi ni Degamo na mayroon umanong gag order mula kay Manila Regional Trial Court Branch 51 Presiding Judge Merianthe Pacita Zuraek. RNT/SA