Home HOME BANNER STORY Paglipad malapit sa Kanlaon, ipinagbawal na rin!

Paglipad malapit sa Kanlaon, ipinagbawal na rin!

MANILA, Philippines – Ipinagbawal na rin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Martes, Hunyo 6 ang paglipad ng mga eroplano 10,000 feet mula sa Bulkang Kanlaon sa Negros.

Ito ay kasunod na rin ng nagpapatuloy na pag-aalburoto ng nasabing bulkan, maliban sa pag-aalburoto ng bulkang Taal at Mayon.

Sa pahayag, sinabi ng CAAP na binago nito ang kanilang Notices to Airmen (NOTAM)— na naunang nagbabawal lamang sa paglipad ng eroplano malapit sa Mayon ay Taal.

“The CAAP has updated its Notices to Airmen (NOTAM) to inform and alert flying aircraft of the current alert levels and associated risks in light of the ongoing unrest at the Taal, Mayon, and Kanlaon volcanoes,” ayon sa CAAP.

Para sa Kanlaon, sinabi nito na dapat iwasan ng flight operators ang lumipad malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa posibilidad ng biglaan at mapaminsalang steam-driven o phreatic eruptions.

“Such eruptions may pose a significant hazard to aircraft from the surface up to 10,000 feet,” anila.

Idinagdag din ng CAAP na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius ng permanent danger zone ng Bulkang Kanlaon.

Sa 5 a.m. bulletin ng PHIVOLCS nitong Martes, nananatili sa Alert Level 1 o low-level unrest ang Bulkang Kanlaon.

Mula alas-5 ng umaga nitong Lunes hanggang alas-5 ng umaga nitong Martes, nakapagtala ang bulkan ng 5 volcanic earthquakes.

Nagbuga rin ito ng 1,089 tonnes ng sulfur dioxide. RNT/JGC

Previous articleGalvez nagpasalamat kay PBBM sa pagkakataong mamuno sa DND
Next articleMag-amiga timbog sa halos P400K shabu

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here