MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Department of Health officer-in-charge Usec. Maria Rosario Vergeire na hindi nagkaroon ng agarang kasunduan at binuo ang technical working group upang pag-aralang maigi ang mungkahi na ilipat ang pangangasiwa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Office of the President.
Sa media forum, sinabi ni Vergeire na isang department personnel order ang inilabas na lumilikha ng joint technical working group na binubuo ng mga opisyal mula sa DOH at PhilHealth upang suriin ang panukala.
Sinabi ng opisyal na ang state heath insurer ay may mga katwiran para sa paglipat ngunit idiniin na mas angkop para sa kanila na sumagot.
Dagdag pa ni Vergeire na ang nasabing panukala ay kailangang pag-aralang mabuti kasama ang mga mambabatas upang matukoy kung angkop ang paglipat ng PhilHealth sa Office of the President.
Ayon pa sa opisyal, wala pang pinal na desisyon at ito ay proposal pa lamang kaya bumuo ng grupo para mas pag-aralang mabuti at makita ang benepisyo nito sa sambayanang Pilipino.
Ang nasabing usapin ay mariing pinalagan ni Senator Risa Hontiveros at nagsabi na naalarma ito sa kasunduan sa pagitan ng DOH at PhilHealth upang bumuo ng isang technical working group upang pag-aralan ang panukalang ilipat ang administrative supervision ng PhilHealth sa OP. Jocelyn Tabangcura-Domenden