Home HOME BANNER STORY ‘Pagpanaw’ ni Zulueta pinaiimbestigahan ni Remulla

‘Pagpanaw’ ni Zulueta pinaiimbestigahan ni Remulla

MANILA, Philippines- Inatasan ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla ang National Bureau of Investigation (NBI) upang patunayan ang iniulat na pagkamatay batay sa “circulating death certificate” ni dating Bureau of Corrections (BuCor) deputy security officer Ricardo S. Zulueta, na kasama si dating BuCor director general Gerald Q. Bantag at iba pa, ay kinasuhan ng double murder.

Sina Zulueta, Bantag, at iba pa ay inaakusahan sa pagpatay sa radio commentator na si Percival “Percy Lapid” C. Mabasa noong Oct 3, 2023 at ni Cristito Villamor Palana, isang person deprived of liberty (PDL) sa New Bilibid Prison (NBP), na sinasabing middleman sa pagpatay sa broadcaster, noong Oct. 18, 2022.

Sinabi ng Department of Justice (DOJ) nitong Sabado na inatasan na ni Remulla ang NBI “to exert greater efforts, act swiftly, delve deeply and uncover the truth by all means possible. This calls for action the soonest possible time.”

Iginiit nitong wala itong natatanggap na ulat mula sa NBI hinggil sa pagkamatay ni Zulueta.

“We are still looking into the veracity of these reports and will update the public as soon as we receive word from the NBI,” giit ni Remulla.

Parehong naglabas ng arrest order ang Las Pinas City at Muntinlupa City regionals trial court laban kina Bantag at Zulueta sa mga kasong murder na inihain ng DOJ. Kapwa sila nananatiling laya.

Sina Bantag at Zulueta ay kinasuhan ng “principal by inducement” sa pagpatay kay Percy Lapid.

Kinasuhan naman ng “principal by direct participation” ang self-confessed gunman na siJoel S. Escorial, maging sina Israel A. Dimaculangan, Edmon A. Dimaculangan, at isang alyas “Orly” o “Orlando.”

Kinasuhan naman ng “principal by indispensable cooperation” ang PDLs na sina Denver B. Mayores, Alvin C. Labra, Aldrin M. Micosa, Alfie Penaredonda, at Christopher R. Bacoto alyas “Yoyoy” o “Jeric Sandoval.”

Sa pagpatay kay PDL Palana, kinasuhan ng “principal by inducement” sina Bantag, Zulueta, Labra at Galicia.

Kinasuhan ng “principal by direct participation” ang PDLs na sina Mario G. Alvarez, Joseph M. Georpo, Christian D. Ramac, Ricky L. Salgado, Ronnie P. Dela Cruz, at Joel A. Reyes. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleHEA natanggap na ng health workers
Next articleP8M ari-arian naabo sa sunog sa Iloilo City